Pagbangon ng Mindanao, prayoridad ng pamahalaan matapos ang malakas na lindol
by France Louie Palos
1 day ago
Nakatuon ngayon ang pamahalaan sa agarang pagtugon at rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad matapos ang 7.8-magnitude na lindol na tumama sa baybayin ng Mindanao noong Lunes, Hunyo 8, na ikinasawi ng hindi bababa sa labingsiyam na katao at ikinasugat ng 129 iba pa.