Nananatili ang Lason sa Hangin: Ano ang Sinasabi ng Agham Tungkol sa Lead Pollution sa Metro Manila
by Yllan Micaeli Santiago
9 hours ago
Mahigit dalawang dekada na mula nang ipagbawal sa buong mundo ang leaded gasoline. Sa teorya, dapat ay bumaba na nang malaki ang antas ng tingga sa hangin na nilalanghap natin araw-araw. Ngunit ipinapakita ng datos na hindi ganito ang nangyayari sa Metro Manila.